Sa mensahe ni Joel tungkol sa Araw ng Panginoon, may halo-halong propesiya tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyang panahon, mga darating na pangyayari sa kasaysayan, at mga pangyayari sa katapusan ng panahon. Maaaring tumukoy ang Araw ng Panginoon, ayon sa paggamit ni Joel sa pahayag, sa iba’t ibang pangyayari kung saan may ginagawa ang Diyos: pagpaparusa, paghahatol, pagliligtas, pagpapala, at marami pang iba. Hinihikayat tayo ni Joel na dapat ituring ang bawat araw—nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap—na araw ng Panginoon at hinahamon niya tayo na isiping may ginagawa ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa atin.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.