Ang tema ng unang liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica ay ang Ikalawang Pagparito ni Hesu-Kristo. Mahalagang maunawaan na ang Ikalawang Pagparito ni Hesu-Kristo ay hindi isang pangyayari kundi sunod-sunod na pangyayari. Mapapansin natin kung paano hinihikayat ni Pablo ang mga taga-Tesalonica tungkol sa darating na pagdagit sa mga mananampalataya at pisikal na ikalawang pagparito ng Panginoong Hesu-Kristo. Isinusulat ni Pablo na ang unang mangyayari sa pagdagit sa mga mananampalataya ay babangon ang mga patay na sumasampalataya kay Kristo.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.