Nagsalaysay si Hesus ng dalawang parabula, Ang Tusong Tagapamahala at Ang Lalaking Mayaman at si Lazaro, na kadalasang mali ang pagkakaintindi. Mayroong kahit man lang dalawang paglalapatan ng mga parabula na ito. Una, habang nasa buhay na ito tayo, tagapamahala o tagapangasiwa lang tayo ng lahat ng ibinigay sa atin ng Diyos at dapat nating gamitin ang mga ito sa matalinong paraan habambuhay. Ikalawa, dapat nating ituring ang mga tao sa mundong ito bilang nawawalang tupa, barya, o anak, at pahintulutan si Kristo na magkaroon ng koneksyon sa mga taong ito sa pamamagitan natin.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.