Ang unang apat na aklat ng Bagong Tipan ay tinatawag na mga ebanghelyo, na may ibig sabihin na mabuting balita. Mahalaga ang mga ito sa pagpapahayag sa walang hanggang plano ng Diyos: para tubusin at iligtas ang naliligaw na sangkatauhan. Kadalasang tinatawag ang mga ito na mga talambuhay: Sa pamamagitan ng mga ito, nagkakaroon tayo ng komprehensibong kaalaman tungkol sa buhay ng isang Taong nabuhay lamang nang 33 taon, ngunit nagkaroon ng walang katulad na epekto sa kasaysayan ng ating mundo. Idinedeklara ng mga ebanghelyo si Hesu-Kristo, ang pinakadakilang pagpapahayag ng katotohanan ng Diyos.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.